Add parallel Print Page Options

Na gaya ni Sara na tumalima kay Abraham, na kaniyang tinawag na panginoon: na kayo ang mga anak niya ngayon, kung nagsisigawa kayo ng mabuti, at di kayo nangatatakot sa anomang kasindakan.

(A)Gayon din naman kayong mga lalake, magsipamahay kayong kasama ng inyo-inyong asawa ayon sa pagkakilala, na pakundanganan (B)ang babae, na gaya ng marupok na sisidlan, yamang kayo nama'y kasamang tagapagmana ng biyaya ng kabuhayan: (C)upang ang inyong mga panalangin ay huwag mapigilan.

Katapustapusan, (D)kayong lahat ay mangagkaisang akala, madamayin, (E)mangagibigang tulad sa magkakapatid, (F)mga mahabagin, mga mapagkumbabang pagiisip:

Read full chapter